mardi, août 29, 2006

metamorphosis (in ten easy steps)

1. Gusto ko na magbago ang itsura ko. Kaya ang ginawa ko, isang araw,
pagkagaling sa bahay ng mga pinsan ko, dumiretso sa SM North.
2. Naglakad lakad sa nasabing mall, at pumunta ng BENCH FIX
3. Kinausap si Benjo, yung hairstylist, sabi na pwede daw pagandahin yung buhok ko.
4. Shinampoo ni Margie yung buhok, nilagyan ng kung anu-anong mga pampaayos ng buhok. Umabot ng 2 oras ang proseso
5. Matapos nito ay ginupit ng kaunti ni Benjo ang buhok. Pinatayo at inayos ang buhok.
6. Pagkalabas ng BENCH FIX, dumiretso sa SARABIA OPTICAL para ipacheck ang mata.
7. Pumili ng frame, inayos ang grado, binayaran.
8. Kumain sandali ng Baked Ziti sa Sbarro's
9. Matapos ang isang oras, binalikan ang salamin sa SARABIA OPTICAL, sinukat ang salamin, nasiyahan.
10. Sinuot ang salamin papalabas, tapos na ang pagbabago.