mercredi, juin 21, 2006

reborn!

binalik ko panandalian yung luma kong template. kasi parang ang sagwa talaga nung bago kong template. masyado nakakalito. at isa itong perfect excuse dahil nasira ko yung css nung luma kong template. pinagpraktisan ko kasi kaso, nakalimutan kong isave. oh well.. ayoko naman ule ayusin so i just opted na lang na ibalik yung luma.

at in sort-of celebration ko na pagbabalik ng template, may nahukay akong kuwento sa documents ko. napagdesisyunan ko na ituloy ito sa isang malawakang koleksyon. sana matapos (o masimulan, sa ganuong banda) ang premise ng koleksyon, tatalakayin nito ang iba't ibang stages ng relasyon sa isang homosekwal na pananaw. mula sa pagkakakilala, tapos sa pagsasama, hanggang sa paghihiwalay. tama, pwedeng maging trilogy ito. gagamiting kong medium eh yung dialogue mode. walang aksyon, puro pag uusap. ang pinagiisipan ko na lang, paano ko pagtatagpiin ang tatlong kuwento na ito na sa iisang halaw. saka ko na iisipin marahil yun, pag iisipan ko muna yung premise ng bawat isang kuwento ko. di ko masasabi kung lahat ng ito ay halaw sa sariling karanasan. hehe.

ito na sya!

Relasyon

Ako ba ang may problema?

Wala sa iyo ang problema. Nasa akin. Magulo kasi ang buhay ko ngayon. Alam mo naman yung nangyari kay Daddy.

Bakit mo gustong makipaghiwalay? Hindi ba dapat lalo kitang samahan sa paghihirap mo? Hindi ba dapat labanan natin ng sabay ang mga problema na dumadating?

Alam ko kaso ayokong masaktan ka pa. Tama nang ako na lang ang naghihirap.

‘di ba nangako tayo sa sarili natin na hindi natin pababayaan ang isa’t isa? Asan na yung pangako mo na hindi mo ako pababayaan? Nandito ako para sa iyo, hindi lang sa saya, pati na rin sa paghihirap handa akong dumamay sa iyo.

Hindi ko na kaya ang ganitong sitwayson natin. Alam mo naman si Daddy galit sa mga bakla iyon. Nalaman na sa bahay ang relasyon natin.

Bakit? Hindi ko naman sinabi na ipaalam mo sa bahay niyo na may relasyon tayo. Ikaw ang may gusto noon ‘di ba? Sino ba may sabing gusto kong maging “official” tayo sa bahay niyo?

Alam ko kaso gusto ko naman na maging normal tayo.Para sa iyo. Para sumaya ka sa akin.

Masaya naman ako sa iyo e. Ikaw lang naman ang nag-iisip na hindi ako kontento sa iyo. At sa palagay mo ba, pwede tayong maging normal sa paningin ng ibang tao? Gumising ka sa katotohanan. Pareho tayong lalaki. Parehong may bayag. Sa mundong ito, sa pananaw ng Daddy mo, hindi tayo normal.

Intindihin mo naman sana ako. Ayoko ring gawin ito kaso wala akong magagawa. Ayaw na nga akong Makita ni Daddy e. Tiyak, pag nalaman na hindi pa tapos ang relasyon natin, mapapatay niya ako kahit may nagka-stroke iyon. Madaming kilalang pulis iyon, baka pati ikaw madamay sag alit niya pag nagkataon.

Ano ba kasi ang problema ng Daddy mo sa mga bakla? Bakit hindi niya matanggap na iba’t iba ang pananaw ng tao? Nagkataon lang na ang anak niya, iba ang oryentasyon..

Na ano? Na bakla? Wala kang karapatan na tawagin akong bakla! Lalaki ako.

Anong wala? Bakla ka. Bakla. Bakla. Bakla. Ano tingin mo sa naging relasyon natin? Laro-laro lang? Maaatim mo bang tawagin ang sarili mo na tunay na lalaki ngayo’t alam mo na gusto mo din e kapwa lalaki?

Hindi ko gusto ang nangyari sa atin noong una. Napilitan lang ako.

Kaso nasarapan ka at pinagpatuloy mo. Tapos hindi mo matanggap na bakla ka? Sa umpisa pa lang, sinabi ko na sa iyo. OK lang kung ayaw mo. Kaso ikaw yun mapilit. Ako naman itong si tanga, naniwala sa iyo,

Pero minahal kita. Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Kaso hindi lang talaga puwede.

Hindi kita maintindihan. Sabi mo napilitan ka lang pero mahal mo ako? Ano ba talaga ang gusto mo?

Hindi ko alam. Naguguluhan din ako.

Naguguluhan ka o ginugulo mo lang ang isip mo? Kung ganyan lang din naman mabuti pa ngang maghiwalay na tayo. Ayoko nang aksayahin pa ang oras ko sa kakaisip sa kung ano ba talaga ag gusto mo.

Salamat at naiintindihan mo din ako. Sabi ko sa iyo, ayoko din kaso…

Kaso hindi talaga puwede? Oo alam ko na yang linya mong ‘yan. Sana masaya ka na. Sana masaya na din ang daddy mo. Magiging tunay na lalaki ka na din. Salamat. Sana sa susunod hindi na magkita tayo, may pamilya ka at mabigyan mo na ang Daddy mo ng apo.

Paalam na. Kailangan ko nang umalis, baka hindi ko pa kayanin. Para rin sa ikabubuti natin ito. Mahal kita, tandaan mo ‘yan. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huli, pangako.

Oo na. Umalis ka na. Pangako din, hindi na mauulit itong ganitong sitwasyon. Ayoko nang maging pang-apat na beses na nating pagkakamali ito. ‘di ba sabi mo noong unang beses ayaw mo nang maulit? Pero ‘wag ka, pangatlo na.